May karapatan ka bang magmahal?
“LOVE CONQUERS ALL”
That’s true! Yan ang kalimitan na maririnig mo kapag sinabi mo ang mga katagang yan sa ngalan ng pag-ibig. Babae, lalake, bakla, tomboy, butiki, baboy at kahit sino at ano ka pa may karapatan kang magmahal at mahalin. Naniniwala ba kayo na lahat tayo ay may nakatakdang magmamahal at mamahalin? Malamang may magsasabi sa inyo na hindi at nakakasiguro ako na mga single ang mga yun o kaya naman ay lampas na sa kalendaryo ang edad eh di pa rin nakakatikim……
…
….
……
ng pagmamahal (ikaw ha! Parang iba yata yang nasa isip mo.. haha!)dahil may mga bata tayong readers, adults wag nyo na ipaalam sa kanila ang other meaning. There’s a time for that just tell them to wait. At ayon naman sa RH Bill(toinks! Napapa RH Bill na tuloy yung blog ko. Haha!)*wink let’s go back to the business, dahil masyadong harsh ang blog ko nung una tungkol sa love at tila may galit ako sa mga taong naiinlove(haha!ano raw?) at kung ikaw ay ngayon lang nakabasa ng blog/story ko or whatever man ang gusto mong itawag dito sa mga sinusulat at pinaggagawa ko sa buhay ko eh subukan mong pumunta sa profile ko at bisitahin at kung di ka naman tamad eh basahin na rin yung “bakit kahit masakit,tuloy ka pa rin”(oha! Title na title pa lang masaklap na! haha!) para malaman mo yung ibig kong sabihin. J well anyway tulad nga ng sinulat ko kanina kahit sino ka pa magmamahal at magmamahal ka rin at syempre mamahalin at mamahalin ka rin, maniwala ka sakin di namimili yang pag-ibig hindi sila choosy at itago na lang natin sila sa tawag na LOVE. Yan kasing si LOVE ang pinaka generous na bagay sa mundo. Kahit sino at lahat tayo pinagbibigyan niya,lahat tayo pinasasaya niya. Parang presidente ng isang bansa, naglilingkod siya sa bayan at sa mga tao. Si LOVE mabait, mapagbigay kaya nga lahat tayo naghahangad sa kanya at kung ikaw naman ay isang mapalad na nilalang na nabigyan na niya Masaya ako para sayo at goodluck! *wink walang matibay na basehan kung hanggang saan magiging sayo si LOVE, kung minsan araw, linggo, buwan at taon napaka swerte ng mga taong umaabot ng taon biruin niyo nagging Masaya sila ng ganon katagal? Wow! Kung ganon na lang sana si love lagi eh di sana Masaya lahat dib a? pero may sariling isip kasi si LOVE. Minsan pa nga naglalaro pa yan eh at minsan napapatapat pa na ikaw ang pagtritripan niya pero hindi nangangahulugan na masama siya ha, kung ikaw ay isa na sa mga napaglaruan niya kung natatandaan mo may natutunan ka, may na realize ka at nagamit mo yun sa kasulukuyan mong kinalalagyan ngayon kaya di pa rin bad si LOVE tinuturuan ka lang niya para mapunta ka sa tamang tao o sa tamang desisyon na magbibigay sayo ng walang hanggang kasiyahan. Madalas nga siyang mura-murahin ng karamihan satin, aminin niyo minsan niyo na siyang inaway dahil sa mga ginawa niya sa inyo pero kahit anong gawin mo babalik at babalik rin si LOVE sayo at ngayon sa tamang tao at sa tamang panahon kung kailan handa na siyang ibigay sayo ang pinakamimithi mo.
*Ahhh! Yak!! *Lecheng pusa!! *Nagsukaaaa!!! Linis..linis…linis,.. *takte kang pusa ka gagawin kitang sioopaaooo!!! Grrrr! *ok! Pasensya na madla!
GAME NA ULIT!
At dahil nagmimistulan na akong pari na nagsesermon dito eh tigilan na natin ang mga makabagbagdamdamin na kalokohang yan. (kalokohan talaga? Haha! Palibhasa loka ang nagsusulat!wew!) kung nabubuo ang tanong sa isip niyo ngayon na kung bakit naman kaya ganito ang mga idea ko eh dahil yun sa pagsakay ko ng jeep kanina pauwe, may nakita akong magkasintahan. Paano ko nalaman? Syempre halata mo naman yun eh, sabi nga ni boy abunda “you can tell if there is something between the two persons by looking in their actions and hand gestures when their together” at syempre napansin ko agad yun. May pagka echusera ako eh, ang libangan ko habang nakasakay ng jeep lalo na kung puno eh gumawa ng mga karakter ng bawat pasahero sa imahinasyon ko. At kung minsan nag a-ala madam auring ako at hinuhulaan kung anong iniisip ng bawat isa sa kanila (ganon ako ka weird? Parang pati ako natatakot sa sarili ko ah..haha! ‘wag niyo kong katatakutan ha.. di naman ako nangangagat ng masakit. Waaahh!haha!) back to the magjowa, ayun nga nakita ko sila maglambingan, tulad rin ng mga ibang magjojowa ang kaibahan lang sa kanila parehas silang BABAE. Well yung isa babae talaga sa kilos at pananamit yung isa naman ay LESBIAN. Alam ko na aware kayo sa malimit na discrimination sa mga third sex. Tulad ng mga bakla, dumarami na sila. Biro pa nung isa kong kaibigan eh gay invasion na daw ito at di magtatagal mawawalan na ng mga totoong lalake sa mundo at dahil dun binatukan ko siya ng isa kasi baka mamaya magdilang anghel pa kawawa naman kaming mga babae. Haha! Pero love ko ang mga beki! Pero kahit madalas silang tampulan ng tukso at pang aalipusta normal rin silang tao na tulad ng iba eh umiibig o nagmamahal. Specially ang mga bakla, nung una akong magkaroon ng kaibigan na bakla naiinggit ako sa kanila kasi parang palagi silang Masaya, walang iniisip na problema at hindi nagmamahal ng todo pero nagkamali ako. Nung mas lalo ko silang nakilala dun ko nahalungkat ang buhay pag-ibig ng mga katulad nila. Di rin nagkakalayo sa mga Lesbian. Kung sa mga normal na babae at lalaki nakakahanap sila ng makakasama nila sa buhay at mamahalin ng buong puso ang mga bakla at tomboy lusot sa butas ng karayom bago pa makamit yun at karamihan sa kanila tumatanda na lang ng mag-isa. Hindi kadalasan tumatagal ang relasyon nila, kung tumagal man ng mga taon alam nila sa sarili nila at may mga boses sa likod ng isip nila na sa huli ay mag-isa pa rin sila. Buti puro sila positive sa buhay. Sa mundo kasi nila alam nila ang kalalagyan nila. Nasasabi na agad nila kung anong mangyayari. Sa Love na lang sila umaasa. Kung dumating ito sa kanila malugod nilang tatanggapin at pagyayamanin at kapag kukuhanin na ay pakakawalan ng walang kalaban-laban. Saludo ako sa kanila. *salute!
Sabi nga nila kapag pag-ibig ang paguusapan madaming makakarelate diyan. Lahat may kanya-kanyang version ng kanilang mga kwento. Para sa mga nilalapitan ni LOVE ngayon goodluck sa inyo, tandaan niyo habang nandyan siya sa inyo ingatan niyo dahil hindi natin alam kung hanggang kailam yan. Para naman sa mapalad na nadapuan ni LOVE stay strong. Si LOVE guide lang yan, kayo pa rin ang magpapatakbo sa kanya. Goodluck! Para naman sa mga nalampsan at napagtripan ni LOVE, ‘wag kayong mag alala dahil babalik siya at siguradong may pasalubong siya sayo. J At para naman sa mga hindi pa rin daw nakakahanap o nakakaramdam ng bagsik ni LOVE, neknek niyo! Alam kong naramdaman niyo na siya ayaw niyo lang aminin. Sus! Sigurado ako myembro kayo ng mga PEANUT BITTER! ‘wag na kayong magpakabitter dahil imbis na nagiinarte kayo diyan ienjoy niyo ang pagiging Malaya kasi baka kapag andyan na si LOVE sabihin niyo naman namimiss niyo ang pagiging free sige kayo kapag si LOVE ang nainis mga aso at pusa at kung ano-ano pang hayop ang makakasama niyo pagtanda. ;)
Iiwan ko na lang sa inyo ang palagi kong sinasabi kapag may humihingi ng payo ko about LOVE. “JUST FOLLOW YOUR HEART AND BE SURE TO BE HAPPY. HURT’S AND PAIN’S ARE NORMAL BUT ALWAYS REMEMBER, AFTER AN ENDING THERE WILL SURELY BE A NEW BEGINNING”
——MissGHEE SPECIAL THANKS TO: —THE HAPPY COUPLE THAT I SAW IN THE JEEP EARLIER DEDICATED TO ALL PART OF THIRD SEX FEDERATION. AND TO MY SISTER: —AYAN NA SIS! TUNGKOL SA MGA BEKI.. REQUEST MO EH„ SAKA NA ANG STORY DAHIL MAGIISIP PA AKO.. xoxo


